Huwebes, Oktubre 9, 2014

Ano nga ba ang Kabit??

Mistress o Kabit ?? 

Ano nga ba ang KABIT ? Sa totoo lang naguguluhan na ako .. Oo ang tanga ko , ang Martir martir ko , pero kasalanan bang magmahal ? Kasalanan bang makakilala ka ng taong makapagpabago ng buhay mo at taong makakapagpapasaya sayo  ? 

Ang salitang Kabit po ang bumabagabag sa isip ko ngayon . May Boyfriend po ako and 1 year and 5 months na po kami . Nung una ang saya saya pa namin . Parati kaming magkasama . Tumatawa kami kami ng sabay .
Kung saan siya pupunta nandun din ako .

All I know about him is may anak siya at hiwalay sa dating ka live-in partner niya .Mahal na mahal niya anak niya . Lahat gagawin niya para sa anak niya .. Hanggang sa umabot kami ng 8 months sinabi sa akin ng boyfriend ko na bigla nalang bumalik yung dating ka live-in partner niya kasi sa kagustuhan ng Family niya na magkabalikan silang dalawa at sa kagustuhan din nang babae . Pero ang sabi niya ayaw na niya itong balikan kasi ako na yung mahal niya .. Pero wala siyang magagawa kasi sa kagustuhan ng mama niya na magsama sila ulit . Syempre nasaktan ako ..Ano na ang magiging papel ko ngayon sa buhay niya ?? KABIT ?? no Hindi ako papayag "sabi ko sa sarili ko ..

Ang sabi ko sa kanya na umalis na lang siya dun sa bahay nila kaso wala naman siyang matitirhan . Dumating yung point na gusto ko na siyang hiwalayan kaso the moment na hihiwalayan ko na sana siya is yun yun din ang moment na parati niya sinasabi sa akin na ipaglalaban daw niya pagmamahalan namin , Na hindi siya papayag na mawala ako .. Na hidi niya kaya pag mawala ako sa buhay niya , na ako ang gusto niyang pakasalan .. Kaya humanap siya ng paraan para makaalis sa bahay nayun .. Naisip niyang magtrabaho sa ibang lugar .Sumang-ayon ako kahit napakahirap ng Long Distance Relationship , Tiniis ko lahat para sa kanya ..

One day may nagtext sa akin ,nagpakilala itong Asawa siya ng BF ko. Ang sakit ,parang dinurog ang puso ko kasi alam ko na wala akong karapatan lumaban ..  .. Kasi hanggat nandun ang babaeng yun sa bahay nila , Hanggat Nasa iisang bubong sila pag umuuwi ang Bf ko sa kanila . Wala parin akong laban .
Isa lang akong hamak na kabit , na nakikisawsaw sa buhay ng iba

Pero ang tanong ko lang , Tama ho bang Kabit ang tawag sa akin ?? Hindi naman po sila Kasal , Oo may anak sila pero hindi po sila Kasal .  Ang tanging nag uugnay lamang sa kanila ay ang kanilang anak .. 

Sana po matulungan ninyu ako . Hindi ko na po talaga alam anong gagawin ko .Mahal ko po siya , Mahal din niya ako .. Gulong gulo na po talaga ako sa sitwasyon namin ..

Ano nga Ba ang Mistress:( Matatawag padin bang Mistress ka kahit hindi sila kasal ??

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento